Sen. Bato dela Rosa, iminungkahi sa PNP na huwag munang magtalaga ng mga bagitong police sa PDEG

Inirekomenda ni Public Order and Dangerous Drugs Committee Chairman Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na huwag na munang magtalaga ng mga patrolman at lieutenant sa PNP-Drug Enforcement Group (PDEG).

Ito ay sa gitna na rin ng kontrobresyang idinulot ng diumano’y cover-up sa P6.7 billion shabu haul sa Maynila noong nakaraang taon kung saan nagagamit ang mga bagitong pulis sa paggawa ng katiwalian.

Para kay Dela Rosa na dating naging hepe ng PNP, ang mga bagong pasok na patrolman at lieutenant ay dapat na munang i-expose sa field assignments at huwag munang i-expose sa PDEG operations.


Iginiit ng senador na magkaroon ng adjustment sa polisiya ng PNP kabilang na ang pagsilip sa proseso ng pagpili ng mga maitatalaga sa PDEG.

Aniya, naroon kasi kadalasan ang mga kalokohan at kapag napunta pa sila sa mga tiwaling senior police ay mahahatak na agad sila sa maling landas at gawain.

Facebook Comments