
Inalis na si Senator Ronald “Bato” dela Rosa bilang myembro ng Senate Blue Ribbon Committee (BRC).
Si Senator Robinhood Padilla ang pumalit kay Dela Rosa sa minority member na kasapi ng BRC.
Wala namang tumutol nang i-mosyon ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito na palitan na si Dela Rosa.
Ang senador ay mahigit apat na buwan nang hindi pumapasok sa Senado mula nang lumutang na may warrant of arrest laban sa kanya ang international criminal court.
Samantala, pinalitan din sa minorya si Senator Joel Villanueva bilang myembro naman ng Committee on Foreign Relations at ang mga pumalit dito ay sina Senators Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta.
Facebook Comments










