Sen. Bato dela Rosa, inialok ang sarili sa Blue Ribbon Committee na gawin siyang “resource person” sa imbestigasyon sa drug war sa Lunes

Inialok ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang Senate Blue Ribbon Committee na gawin siyang resource person para sa gaganaping pagdinig sa Lunes patungkol sa war on drugs ng dating Duterte administration.

Ayon kay Dela Rosa, haharap siya sa Lunes na hindi lamang bilang isang myembro o panel ng Blue Ribbon kundi bilang isang resource person.

Aniya, maaari siyang tanungin, i-interpellate at i-interrogate ng kanyang mga kapwa senador at nakahanda siya rito.


Tiniyak ni Dela Rosa na hindi siya ma-o-offend o makakaramdam ng kabastusan sakaling tanungin siya ng mga kapwa mambabatas dahil ito naman aniya ang nararapat, ang malaman ang katotohanan.

Mainam na aniyang mabusisi rin siya ng mga senador upang mabigyang linaw ang mga ibinabatong paratang laban sa kanya kaugnay sa drug war at maalis na rin ang mga pag-aalinlangan.

Facebook Comments