Sen. Bato dela Rosa, kinumpirma na tinanggalan ng police security detail

Kinumpirma ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na tinanggalan siya ng dalawang police security details na nakatalaga sa kanya sa Davao.

Taliwas ito sa pahayag ng Philippine National Police (PNP) na fake news ang pag-recall sa mga security details ng senador.

Ayon kay Dela Rosa, nalaman lamang niyang wala na ang mga security detail niya pag-uwi niya kahapon sa kanyang tahanan sa Davao at napag-alaman niyang pinag-report na ang mga ito sa kanilang unit.


Sinabi rin ni Dela Rosa na tanungin na lamang ang dalawang security detail na inalis sa kanya matapos igiit ng PNP na fake news ang pagbawi sa kanyang security.

Hindi naman problema ang tingin dito ng senador dahil marami naman aniyang retiradong pulis at sundalo sa Davao ang nagboluntaryong maging security detail niya.

Nilinaw naman ni Dela Rosa na hindi niya ikinukunsiderang panggigipit ito sa kanya dahil nauunawaan naman niya na nag-iingat lang ang commander ng mga pulis at umiiwas lamang ang mga ito na mas magkaproblema pa.

Facebook Comments