Kinwestyon ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa kung ano ang karapatan ng China para diktahan ang bansa sa mga dapat na dalhin sa resupply mission sa Ayungin Shoal kung saan nakapwesto doon ang barkong BRP Sierra Madre.
Mababatid na sinasabi ng China na pinayagan nila ang matagumpay na resupply mission ng Pilipinas sa BRP Sierra Madre dahil sa ‘humanitarian consideration’.
Nang matanong si dela Rosa kung kailangan ba ng bansa na hingiin ang go signal ng China sa pag-exercise ng Pilipinas sa ating sovereign rights sa West Philippine Sea, ang agad na balik na tanong ng senador ay sino sila?
Tinatanong ni dela Rosa kung sino ang China para magapruba ng mga dapat na dalhin sa mga sundalo na nakapwesto sa BRP Sierra Madre at bakit pipigilan ang mga gustong dalhin sa sariling teritoryo.
Halata aniya na ang nais na pagkontrol hg China sa pagkilos ng bansa ay para sa advancement ng kanilang posisyon at ito ay para masira agad ang barkong BRP Sierra Madre dahil sila ang papalit sa atin para agawin ang ating teritoryo.
Matatandaang sa budget briefing ng Development Budget Coordination Committee sa Senado ay nanawagan mismo si dela Rosa na dagdagan ang pondo ng mga tauhan na nagbabantay sa West Philippine Sea upang may maitapat naman ang ating pwersa sa tuwing ibu-bully ng China.
-00-