Sen. Bato dela Rosa, lilimitahan ang mga biyahe sa ibang bansa

Lilimitahan ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang paglabas-labas ng bansa ngayong muling lumutang ang usapin ng imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa mga patayan sa drug wag ng nakaraang Duterte administration.

Si Dela Rosa at dating Pangulong Rodrigo Duterte ay kabilang sa mga iimbestigahan ng ICC dahil sa mga kaso ng pang-aabuso sa kampanya sa paglaban sa iligal na droga.

Ayon kay Dela Rosa, mahirap na maglalabas ng bansa lalo na kung ang bansang kanyang mapupuntahan ay ICC member at ‘very loyal’ sa Rome Statute.


Hindi aniya malabo na maglabas ng warrant ang ICC at arestuhin siya sakaling nasa bansang miyembro ng ICC tulad ng mga bansa sa Europa.

Sinabi pa ni Dela Rosa na ire-research niya pa kung ano pa ang mga bansang dapat iwasan na myembro ng ICC.

Pero giit ni Dela Rosa, hindi siya natatakot sa ICC dahil sa katunayan ay kagagaling lang din niya ng Thailand at sakaling humantong sa ‘worst case scenario’ at siya ay arestuhin, mayroon naman siyang legal counsel na kinuha sa katauhan ni Senator Francis Tolentino.

Facebook Comments