Sen. Bato dela Rosa, may hamon kay dating Senator Antonio Trillanes IV tungkol sa ICC

 

Hinamon ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa si dating Senator Antonio Trillanes IV matapos na ihayag ng dating senador na malapit nang ilabas ng International Criminal Court (ICC) ang arrest order laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at dela Rosa.

Kaugnay pa rin ito sa kaso ng madugong war on drugs noong nakaraang Duterte administration.

Sinabi ni dela Rosa kay Trillanes na ituloy lang at buuhin ang araw niya kung aarestuhin nga sila ng ICC.


Panay aniya salita ni Trillanes at paulit-ulit na lang na sinasabi ang ICC case nila ng dating Pangulo.

Hamon pa ni dela Rosa kay Trillanes na kahit sumama pa ito sa ICC at ito pa ang magposas sa kanya kapag aarestuhin na siya.

Facebook Comments