Sen. Bato Dela Rosa, naabutan ng lindol sa Davao

Personal na naranasan ni Senator Bato dela Rosa ang malakas na lindol na yumanig sa Davao region.

Ayon kay Dela Rosa, nataon na nasa firing range siya sa Davao City nang mangyari ang malakas na 7.4 magnitude na lindol sa Davao Oriental.

Umabot aniya sa lugar na kanyang kinaroroonan ang epekto ng malakas na lindol kung saan inilarawan niya na sumasayaw ang mga puno at kahit nag-squat na siya sa lupa ay nahihilo pa rin siya.

Samantala, may cryptic post naman ang senador matapos ang lindol kung saan nanawagan siya kay “Zaldy” na maawa na ito at umuwi na ng Pilipinas.

Bagama’t hindi tinukoy ng senador kung sinong Zaldy, matatandaang kasalukuyan nasa ibang bansa si dating Cong. Elizaldy Co na nasasangkot sa maanomalyang flood control projects.

Sa post ng senador, palaging lilindol ang bansa hangga’t hindi umano umuuwi ang tinukoy niyang si Zaldy.

Facebook Comments