Sen. Bato dela Rosa, posibleng dadalo na sa SONA ng pangulo

Posibleng makadalo na si Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa July 22.

Ayon kay Dela Rosa, tatantyahin niya muna kung hindi sasakit ang kaniyang tuhod.

Sa ngayon aniya ay bumubuti na ang kanyang tuhod at ito ay maikukumpara niya sa osteoarthritis degenerative disease tulad sa mga matatanda.


Samantala, ayaw naman manghimasok ni Dela Rosa sa hindi pagdalo ni Vice President Sara Duterte sa SONA ng pangulo.

Sinabi ng senador na desisyon na ito ng bise presidente at wala naman talagang pilitan sa pagpunta sa SONA.

Facebook Comments