Sen. Bato dela Rosa, tinangkang mag-disguise nang magtungo ng Bicol kamakailan

Sinubukan ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na mag-disguise nang magtungo ito sa Bicol kamakailan.

Gayunman, sinabi ng senador na hindi uubra sa kanya ang pagdi-disguise dahil may makakakilala pa rin sa kanya.

Batay sa kwento ng senador, sinubukan lang niyang mag-disguise kung saan bumaba siya ng sasakyan para bumili ng maiinom sa isang convenience store.


Dito ay nagsuot siya ng jacket, sumbrero at face mask subalit sa gilid ng daan ay namukhaan o nakilala pa rin siya ng isang tindera na nagtitinda ng kamote sa gilid ng daan.

Sinabi ni Dela Rosa na napilitan tuloy siyang bumili ng tindang kamote ng ale nang sabihan siya na kilala siya at siya nga si “Bato”.

Matatandaang naunang sinabi ni Dela Rosa na ikinukonsidera niya na magtago at hindi siya magpapaaresto sa International Criminal Court (ICC).

Facebook Comments