Sen. Bato dela Rosa, tiwala pa rin kay NSA Eduardo Año sa kabila ng pag-aresto ng ICC kay FPRRD

Matimbang pa rin ang paniniwala ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa kay National Security Adviser (NSA) Eduardo Año kumpara sa ibang mga miyembro ng gabinete ng Marcos administration.

Kaugnay ito sa nagbabanggaang pahayag ng mga cabinet member patungkol sa naging koordinasyon ng gobyerno sa pag-aresto ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Año na kahit kailan ay hindi naging bahagi ng kanyang tungkulin ang pag-aresto kay Duterte.


Ayon kay Dela Rosa, sapat na ang naging paliwanag ni Año na wala siyang kinalaman sa anumang planong pag-aresto sa dating pangulo.

Ipinunto pa ni Dela Rosa na mas naniniwala siya kay Año dahil sa matagal na samahan at pagkakakilala bilang kapwa alumni ng Philippine Military Academy (PMA).

Kumpyansa si Dela Rosa na nasa puso at isipan pa rin ni Año ang courage, integrity at loyalty na kanilang pinangangalagaan mula pa noong nasa academy kaya sapat na para maniwala siya rito.

Facebook Comments