Lumalabas sa pagdinig ng Senado na tila ang Kamara ang humingi ng tulong mula sa People’s Initiative for Modernization and Reform Action (PIRMA).
Taliwas ito sa sinabi ng lead convenor ng PIRMA na si Noel Oñate na sila sa PIRMA ang nagpaalalay sa mga kongresista para maisagawa sa mga distrito ang pangangalap ng lagda para sa People’s Initiative.
Nag-ugat ang assumption na ito ni Dela Rosa dahil sa nagbabanggaan na ring pahayag ng legal counsel ni Oñate na si Atty. Alex Avisado at petitioner na si Atty. Anthony Abad tungkol sa tanong na kung sino ang nagprint ng mga signature forms.
Lumalabas aniya kasi na hindi pa buo ang organization ng mga tao sa PIRMA pero tila handa na at printed na ang lahat ng mga papel na kailangan.
Pagtataka ng senador ay bakit nakahanda na gayong mismong ang mga tao sa PIRMA ay hindi pa organisado.
Nakadagdag pa sa isyu ng organisasyon ang pagkakatuklas na 20 taon na palang walang registration ang PIRMA sa Securities and Exchange Commission (SEC) pero ayon kay Avisado, mayroong nakapending na application ang PIRMA sa SEC para buhayin muli ang kanilang registration.