
Hindi namataan si dating PNP chief at ngayon ay Senador na si Ronald “Bato” dela Rosa sa ginanap na PMA Alumni Homecoming ngayong araw sa Baguio City.
Nabatid na si Dela Rosa ay miyembro ng Philippine Military Academy Sinagtala Batch 1986, na siyang nakatokang host o punong-abala ngayong taon sa nasabing pagtitipon.
Kaugnay nito, natapos naman nang matiwasay ang programa na dinaluhan ng humigit-kumulang 4,200 indibidwal.
Sa bilang na ito, mahigit 1,700 ang mga alumni ng PMA mula sa Philippine Army, Navy, Air Force, at PNP.
Facebook Comments










