Manila, Philippines – Nagpahayag ng pagdududa si Senador Nancy Binay sa intensyon ng nakatakdang pagsasapubliko ng narco-list.
Paliwanag ni Binay, kung hindi beripikado ay maaaring magamit ang listahan upang siraan at hiyain ang mga kandidato.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, ay may 83 na pulitiko na binubuo ng mga congressman, gobernador, bise gobernador, mayor at vice mayor ang kabilang sa listahan.
Bunsod nito ay iginiit ni Binay sa Department of Interior and Local Government o DILG at sa PDEA na sampahan agad-agad ng kaso ang mga ‘narco politicians’ kung sigurado sila sa impormasyon ng listahan nila.
Umaasa din si Binay na matatamasa ng mga akusado ang kanilang mga karapatan na ginagarantiyahan ng demokrasyang umiiral sa ating bansa.