Tila malabong makiisa si Senator Nancy Binay sa pwersa ng Liberal Party (LP) para sa 2022 elections.
Ito ay makaraang sabihin ni Binay na may mga sugat na dapat munang gamutin bago siya makipag-usap sa LP tungkol sa 2022.
Tugon ito ni Binay sa pahayag ni LP President Senator Francis “Kiko” Pangilinan na nagsisikap ang partido na bumuo ng koalisyon para sa 2022 elections.
Ayon kay Pangilinan, isa si Binay sa mga kinakausap ng LP para maging kabahagi ng binubuong koalisyon.
Magugunitang noong panahon ng pamumuno ni dating Pangulong Noynoy Aquino, na syang dating Chairman ng LP, ay ikinasa ang imbestigasyon laban kay dating Vice President Jejomar Binay at pamilya nito.
At noong 2016 elections ay naging katunggali ni dating VP Binay sa pagkapangulo si LP standard bearer Mar Roxas.