SEN. BONG GO, BUMISITA SA NUEVA VIZCAYA

CAUAYAN CITY- Pormal na bisita ni Senator Bong Go ang ika-apat na araw ng selebrasyon ng “Owag Shi Kayapa” sa bayan ng Kayapa, Nueva Vizcaya.

Namahagi si Senator Go ng grocery items, bola, at ibang premyo at regalo para sa mga mamamayan ng nasabing bayan.

Bukod dito, pinondohon ni Senator Bong Go ang pagpapatayo ng LGU building kung saan nagbigay ito ng tatlompu’t dalawang milyong piso, kasabay nito ang pagbubukas ng Super Health Center at pagbibigay ng trabaho sa limang daang residente ng Kayapa sa ilalim ng TUPAD program.


Watch more balita here: PAMAMAHAGI NG EDUCATIONAL ASSISTANCE, ISINAGAWA SA BAYAN NG SAN GUILLERMO

Samantala, dumalo rin sa nasabing pista ang mga opisyal ng Kayapa at tauhan mula sa Department of Labor and Employment.

Facebook Comments