Sen. Bong Go: Hindi ko po inaambisyong maging presidente

339
From Facebook/Bong Go

Naglabas ng reaksyon si Senator Christopher “Bong” Go tungkol sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may plano siyang tumakbo bilang presidente sa susunod na eleksyon dahil palagi itong pumupunta sa mga sunog.

Ayon sa mambabatas, hindi niya inaambisyon ang pinakamataas na posisyon sa bansa at likas na mapagbiro lamang si Duterte.

Dagdag pa ni Go, binigay sa kaniya ng Panginoon ang naturang posisyon kaya ibabalik daw nito sa taumbayan ang serbisyong nararapat.

“Pangako ko sa mga tao na kahit saang sulok ng Pilipinas, basta kaya lang ng oras at katawan ko, pupuntahan ko kayo para mapakinggan ang inyong hinaing at mabigyan ng pansin ang inyong mga pangangailangan,” ani senador.

Sa ngayon, ayaw pa pag-usapan ng mambabatas ang politika subalit handa siya magboluntaryo sa darating na halalan bilang campaign manager ng sinumang magpapatuloy ng “legacy” ni Digong.

Bago maging ganap na pulitiko, kilala si Go na longtime aide at kaibigan ng Pangulo.

Facebook Comments