Sen. Bong Go, iginiit na pawang kasinungalingan ang mga ibinunyag ni dating Senior Police Officer Lascañas

Puro kasinungalingan at mga gawang istorya.

Ito ang naging reaksyon ni Senator Christopher Bong Go tungkol sa ibinunyag ni dating Davao Senior Police Officer Arturo Lascañas na ang senador ang taga-kuha ng listahan ng mga target ng Davao Death Squad (DDS).

Sinabi ni Go na walang ganitong iligal na utos si dating Pangulong Rodrigo Duterte kahit pa noong alkalde ito ng Davao City.


Wala rin aniya siyang listahan na kinuha o nakita man lang at hindi siya susunod sa anumang iligal na utos kaninuman.

Giit ni Go, ito ay isang rehashed na isyu lamang na paulit-ulit na binabalita at wala namang ebidensya.

Dagdag pa ng senador, dapat noon pa siya nakasuhan kung tunay man na may pagkakasala siya.

Facebook Comments