Sen. Bong Go, Nagbigay ng 40 Milyong Piso para sa Itatayong bagong Gusali ng LGU Kayapa

*Cauayan City, Isabela*- Nagkaloob ng 40 milyong piso pondo ang tanggapan ni Senator Bong Go para sa tatlong palapag na itatayong bagong gusali ng LGU Kayapa matapos ang isinagawang groundbreaking ceremony sa Probinsya ng Nueva Vizcaya.

Pinangunahan ito ng Chief of Staff ng Senador na si Atty. Danny Yang para sa itatayong munisipyo na sinaksihan ng mga opisyal ng lalawigan maging si DILG Regional Director Jonathan Paul Leusen.

Ayon kay Atty. Yang, ang pondo para sa itatayong gusali ay bahagi ng ipinangako ng Senador sa mga mamamayan ng Kayapa.


Mahigit pitong dekada na ang nasabing gusali at may kalumaan na rin mula ng maitayo ito habang ang nasabing bayan ay alternatibong daan ng publiko patungong Baguio City kung saan ang bayan ng kayapa ang isa sa mga pinanggagalingan ng maraming suplay ng gulay sa rehiyon dos.

Facebook Comments