Sen. Bong Go, nilinaw ang joint venture ng kumpanya ng kanilang pamilya sa construction firm ni Sarah Discaya

Nilinaw ni Senator Christopher “Bong” Go ang naging ugnayan ng kumpanya ng kanilang pamilya sa construction firm ng contractor na si Sarah Discaya.

Sa pagdinig ng Senado, kinumpirma ni Discaya sa pagtatanong ng senador na noong 2017 ay naka-joint venture ng kanilang kumpanya na St. Gerrard ang CLTG Builders ng pamilya ni Go.

Sinabi ni Discaya na natapos at napakikinabangan ngayon ang proyekto.

Ayon naman kay Go, hindi lahat ng infrastructure projects ng gobyerno ay may anomalya.

Wala rin aniya siyang kinalaman sa construction business ng kanyang pamilya na mula bata pa siya ay naitayo na.

Iginiit pa ni Go na kung may matuklasang pagkukulang ay siya mismo ang magrerekomenda na kasuhan ang kanyang pamilya.

Noong 2017, limang infrastructure projects ang naipagawa ng joint venture sa Davao region na aabot sa P816 million.

Facebook Comments