Sen. Bong Go, Pangungunahan ang Launching ng ‘Malasakit Center’ sa Cagayan ngayon Araw

92

*Cauayan City, Isabela*-Pormal ng pasisinayaan ngayong araw sa Lungsod ng Tuguegarao ang ‘Malasakit Center’ sa Cagayan Valley Medical Center na pinangunahan ni Sen. Bong Go.
Ayon kay Dr. Glen Matthew Baggao, Medical Center Chief ng CVMC, magmumula sa Davao City ang senador kasama si Malasakit Center National Head Sec. Michael Lloyd Diño sa isasagawang aktibidad.
Ang Malasakit Center ay ang tanggapan na magisisilbing one-stop shop para sa mga mamamayang nangangailangan ng tulong-medikal at pinansyal.
Kabilang sa mga tanggapang na matatagpuan sa Malasakit Center Office ay ang PhilHealth, PCSO, PAGCOR, DOH at DSWD.
Nagpasalamat naman si Dr. Baggao dahil sa programa ng Malasakit Center ay hindi na umano mahihirapan pa ang publiko sa kanilang pagpapagamot.
Maliban dito, magbibigay din ng tulong pinansyal ang Senador sa mga apektadong pamilya ng malawakang pagbaha sa nagdaang kalamidad Bayan ng Abulug, Allacapan, Sanchez Mira at Sta. Praxedes at iba pang bayan sa Cagayan.



Facebook Comments