Sen. Bong Go, pormal nang umatras sa pagtakbo sa pagka-pangulo

52

Naghain na ng kaniyang withdrawal ng Certificate of Candidacy (COC) si Sen. Christopher “Bong” Go para tumakbo sa pagka-presidente.

Sa pahayag ni Sen. Go, tinupad lamang niya ang kaniyang naging pahayag kaya’t mag-isang nagtungo rito sa Palacio del Gobernador sa mismong tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC).

Aniya, tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang kaniyang sinabihan sa planong pagpunta sa COMELEC kung saan nag-taxi lang siya mula sa kaniyang bahay.


Sinabi pa ni Sen. Go na kaniyang na lamang ipagpapatuloy ang trabaho at mga programa ng gobyerno kung saan nananawagan siya ng pagkakaisa.

Bukod dito, humihingi rin siya ng paumanhin sa kaniyang supporters kasabay ng pagpapasalamat sa mga ito.

Facebook Comments