Sen. Bong Go, tinanggalan din ng security

Kinumpirma ni Senator Christopher Bong Go na nauna siyang tanggalan ng security bago si Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Go, hindi nag-iisa ang bise presidente dahil pareho silang natanggalan ng mga pulis na nakatalaga sa kanila bilang security.

Aniya, tatlong linggo na ang nakalipas mula nang alisan siya ng security.


Pangamba ni Go, bilang senador at bilang vice chairman ng Public Order Committee, mayroong peligro sa kanilang buhay lalo na sa ginagawa niyang pag-iikot sa kahit saang sulok ng bansa.

Samantala, ipinaabot ng senador sa bise presidente na huwag itong mag-aalala dahil kung kakailanganin ay maraming mga kababayan ang handang magbigay ng seguridad sa kanya.

Pinaalalahanan ni Go ang Philippine National Police (PNP) na maging tapat sa tungkulin, maging propesyunal, gawin ang tama at huwag magpagamit sa politika.

Facebook Comments