Sen. Bong Revilla Jr., isinugod sa ospital

Isinugod sa ospital si Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na nananatiling positibo sa COVID-19.

Ito ang impormasyong inilabas ng kanyang tanggapan at base rin sa social media post ng kanyang misis na si Bacoor City Mayor Lani Mercado.

Ayon kay Mayor Lani, nagkaroon ng pneumonia ang senador base sa resulta ng X-ray nito kaya hindi na uubrang manatili lang ito sa regular na isolation facility.


Sa kaniyang FB account ay nag-post naman ng video si Revilla habang nasa loob ng ospital at nakakaranas ng matinding ubo, kasabay nito ang kaniyang paghingi ng panalangin.

Facebook Comments