MANILA – Sinampahan ng panibagong kasong kriminal ng kampo ni Sen. Bongbong Marcos ang Commission on Elections at Smartmatic.Ito ay kaugnay pa rin ng pagbago ng Smartmatic ng script sa transparency server sa gitna ng transmission ng resulta ng halalan.Inihain nina atty. jose amor amorado, head ng Bongbong Marcos Quick Count Center at Rep. Jonathan Dela Cruz na campaign adviser ni Marcos, ang kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2010 sa Manila City Prosecutors Office.Kabilang sa mga kinasuhan ni Marcos ang Smartmatic Executives na sina Marlon Garcia at Elie Moreno, Project Director na si Neil Banigued at miyembro ng Technical Support team na si Mauricio Herrera.Iginiit ng kampo ni Marcos na iligal ang pag-access ng Smartmatic officials sa transparency server na walang pahintulot ng Comelec.Kasama rin sa mga kinasuhan sina Rouie Penalba, Nelson Herrera at Frances Mae Gonzales mula sa IT Department ng Comelec na nagbigay daw sa Smartmatic ng confidential na password para palitan ang script sa transparency server.Una nang naghain si Marcos ng kasong paglabag sa Automated Election Law sa nasabing mga personalidad.
Sen. Bongbong Marcos, Sinampahan Ng Panibagong Kaso Ang Comelec At Smartmatic
Facebook Comments