Sen. Chiz Escudero: Dami ng iaangkat na bigas, hindi dapat ianunsyo

Hiniling ni Senator Chiz Escudero kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na payuhan si Pangulong Bongbong Marcos at ang Department of Agriculture (DA) na huwag ianunsyo ang dami ng bigas na aangkatin ng bansa.

Kaugnay na rin ito sa naging anunsyo ng pangulo kamakailan na mag-aangkat ang bansa ng 1.3 million metric tons ng bigas.

Sa pagdinig ng budget sa Senado, mariing sinabi ni Escudero na hindi dapat inaanunsyo ang dami ng aangkating bigas dahil nagiging hudyat pa ito ng pagtaas ng presyo ng bigas sa world market.


Kinukwestyon ng senador kung bakit kailangang ipangalandakan ang pag-aangkat ng bigas at sino ba ang may kailangan ng impormasyon na ito.

Puna pa ni Escudero, sa buong mundo ay Pilipinas lang ang nag-aanunsyo kung gaano karami ang aangkating bigas pero ito ay hindi naman ginagawa sa buffer stock ng pork, beef, chicken at isda.

Payo naman ng mambabatas, kung mag-i-import ng bigas ay maaaring mag-secure muna ng kontrata at kapag mayroon na ay saka na lamang ito ianunsyo.

Facebook Comments