Sen. Chiz Escudero, ex-Sen. Nancy Binay at iba pang isinangkot ni dating DPWH Usec. Roberto Bernardo sa ghost flood control projects, kakasuhan na ng NBI

Pinakakasuhan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga government officials na nabanggit ni dating DPWH Usec. Roberto Bernardo sa kanyang affidavit na iniuugnay sa maanomalyang flood control projects.

Ito ang inianunsyo ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa gitna pa rin ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee patungkol sa mga ghost flood control projects.

Ayon kay Remulla, kabilang sa sasampahan ng kaso ng NBI sina Senator Chiz Escudero, dating Senator Nancy Binay at iba pang mga idinadawit ni Bernardo na nakinabang at nakakuha ng kickback sa mga proyekto ng DPWH.

Ang mga ito aniya ay mahaharap sa kaso ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, indirect bribery at malversation of public funds.

Inirekomenda na rin ng DOJ sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang pag-freeze ng mga bank accounts ng mga ito gayundin ang pagsasailalim sa mga ito sa Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) ng Bureau of Immigration.

Samantala, nilinaw naman ni Remulla na wala pang kaso kay dating Speaker Martin Romualdez at kasalukuyan pa itong pinag-aaralan ng ahensya.

Facebook Comments