Escudero, inabswelto ng COMELEC sa isyu ng pagtanggap ng P30-M na campaign donation mula sa contractor

Walang naging election offense si Senator Chiz Escudero nang tumanggap ito ng P30 million na campaign donation mula sa isang government contractor.

Ito ang naging desisyon ng Political Finance and Affairs Department ng Commission on Elections sa pagdinig sa kaso ni Escudero.

Una nang inamin ng kampo ng senador na tumanggap siya ng P30 million mula kay Lawrence Lubiano, presidente ng Centerways Construction nang tumakbo ito noong 2022 elections.

Batay sa resolution, walang ebidensiya na nagpapatunay na nagmula sa kumpanya ang pera na donasyon ni Lubiano.

Dahil walang paglabag sa Omnibus Election Code, inirekomenda ng tanggapan na hindi na ipagpatuloy pa ang imbestigasyon.

Facebook Comments