
Pinasasagot ng Commission on Elections (COMELEC) sa October 13 si Senator Chiz Escudero kaugnay sa umano’y pagtanggap nito ng ₱30 million donasyon mula sa contractor para sa halalan noong 2022.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng paliwanag si Escudero.
Nauna nang inisyuhan ng show cause order ang Senador habang pinadadalo rin siya sa pagdinig ng Political Finance and Affairs Department sa October 13.
Nilinaw naman ni Garcia na hindi nila pinag-iinitan si Escudero sa isyu ng campaign donation.
Ayon sa Comelec, nasa 55 na kandidato ang tumanggap ng campaign donations mula sa mga contractors batay sa isinumiteng Statement of Contributions and Expenditures o SOCE noong 2022.
Facebook Comments









