Kinumpirma ni Senate Committee on Ethics Chairman JV Ejercito na may nagsampa na ng ethics complaint laban kay Senator Chiz Escudero.

Ang reklamo ay kaugnay umano sa pagtanggap ng ₱30 million na campaign donation mula sa isang Department of Public Works and Highways (DPWH) contractor noong 2022 elections.

Ang contractor ay kabilang sa Top 15 na tinukoy ni Pangulong Bongbong Marcos na nakakuha ng maraming proyekto sa gobyerno.

Ayon kay Ejercito, inabisuhan niya na ang komite tungkol sa ethics complaint.

Tatalakayin din nila sa Ethics Committee kung anong gagawin sa nasabing reklamo.

Ipinunto naman ni Ejercito na aktibo na ring nagsisiyasat ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa nasabing kontribusyon ng isang contractor kay Escudero.

Facebook Comments