Sen. De Lima At Pnp Chief Dela Rosa – Nagkainitan Sa Pagdinig Ng Senado

2

MANILA – Nagharap sa senado sina Senator Leila De Lima, ang kanyang dating driver-bodyguard/lover na si Ronnie Dayan at si Eastern Visayas drug lord Kerwin Espinosa.Pero hindi kinompronta ni De Lima ang dating karelasyon sa halip ay iginisa nito si PNP Director General Ronald “Bato” Dela Rosa tungkol sa pagkakabalik sa puwesto ni Supt. Marvin Marcos, head ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa region 8 na sinasabing naging protektor ng ilegal na droga.Kinuwestiyon rin ni De Lima, si Dela Rosa kung bakit hindi kaagad nito inamin sa publiko na si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang nag-utos sa kanya sa pag reinstate kay Marcos.Giit pa ni De Lima, pinaikot-ikot pa ni Dela Rosa ang publiko tungkol sa sinasabi niyang kumpare.Pero ipinaliwanag ni Dela Rosa na sinanay sila na huwag agad magsabi at nakatitiyak siyang may rason ang pangulo sa kanyang naging utos.

Facebook Comments