Manila, Philippines – Nakatakdang basahan ng sakdal si Senadora Leila de Lima ngayong araw sa Muntinlupa city Regional Trial Court.
Una nang itinakda ng korte noong Sept 15 ang arraignment kay De lima pero ipinagpaliban ito ngayong araw.
Ito ay makaraang maghain ng motion to quash ang senadora sa Muntinlupa RTC Branch 205.
Layon nitong bigyang pagkakataon ang prosekusyon na magkumento sa ikalawang motion to quash na inihain ni De Lima.
Una nang iginiit ni De lima na wala syang kinalaman sa ilegal na droga at kaya lamang sya idinadawit dito ay dahil numero uno syang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Si De lima ay nakapiit ngayon sa Kampo Krame at nahaharap sa paglabag sa Section 5 in relation to Sections 3, 26, & 28 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act 9165.
May kaugnayan ito sa umano’y pamamayagpag ng ilegal na droga sa New Bilibid Prisons noong ito pa ang kalihim ng Department of Justice.