MANILA – Balik bansa si sen. Leila de lima matapos ang byahe nito sa amerika at germany.Lumapag ang eroplanong qatar airways na sinakyan ng senadora sa naia terminal 1 alas-10:48 kagabi.Gayunman – hindi na ito nagpakita sa media na naghintay sa kanyang pagbabalik.Matatandaan – nagpuntang estados unidos si de lima para tanggapin ang pagkilala bilang isa sa 100 foreign policy global thinkers sa washington d.c.Habang nagbigay din ito ng talumpati sa annual convention on cultural diplomacy sa germany.Una rito – ilang kritiko ang komontra sa paglabas ng bansa ni de lima sa pangambang hindi na ito bumalik sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan nito hinggil sa droga.
Facebook Comments