Nagpahayag ng kagalakan si re-electionist Senator Leila de Lima sa pagsasabatas ng panukala na layong itaas ang edad para sa statutory rape o sexual consent.
Ayon kay De Lima na co-author ng nasabing batas sa Senado, importante ang pagsasabatas ng Republic Act No. 116481 para maprotektahan ang mga inosenteng kabataan sa pang-aabuso.
Sa ilalim ng RA 116481, itataas na sa labing anim taong gulang mula sa kasalukuyang labing dalawang taong gulang ang edad para sa statutory rape, anuman ang sexual orientation ng mismong offender o ng biktima.
Ibig sabihin, ituturing nang statutory rape ang pakikipagtalik ng adult sa hindi pa sumasapit sa edad na labing anim.
Isa si De Lima sa mga patuloy na nagtatanggol sa karapatan ng mga kabataan at kababaihan kung saan kabilang sa mga inihain nitong batas ay ang Senate Resolution No. 745 na nag-aatas para imbestigahan ang pagdami ng online sexual exploitation sa mga bata ngayon pandemya.