Sen. De Lima, maaaring gamitin ang lahat ng legal remedies – DOJ

Maaaring gamitin ng nakakulong na si Senator Leila de Lima ang lahat ng legal remedies kaugnay sa pagbasura ng Office of the Ombudsman sa inihain niyang administrative complaint.

Nagsampa si De Lima noong 2018 ng administrative complaint laban kay Justice Secretary Menardo Guevarra dahil sa gross neglect of duty dahil sa paggamit ng convicted prisoners bilang testigo laban sa kanyang illegal drug cases na nakabinbin sa Muntinlupa City regional trial court (RTC).

Lumalabas sa mga ulat na naghain ng petisyon si De Lima sa Court of Appeals (CA) para baligtarin ang dismissal order ng Ombudsman.


Iginiit ni Guevarra, wala sa kanyang polisiya na pag-usapan ang public cases na sumasailalim pa sa review o litigation dahil maaaring mauwi ito sa contempt of court na paglabag sa mga kasalukuyang patakaran.

Noong 2017 ay inaresto si De Lima ay ikinulong sa Custodial Center ng Philippine National Police (PNP) sa Quezon dahil sa tatlong criminal charges na may kinalaman sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

Ang mga kaso ay nakabinbin sa tatlong branches ng Muntinlupa RTC.

Facebook Comments