MANILA – Hindi nagpatinag si Sen. Leila De Lima sa mga ikinanta ng mga testigo sa kamara laban sa kanya.Sa kanyang priviledge speech, inupakan nito si Sen. Alan Peter Cayetano at Pangulong Rodrigo Duterte at iginiit na hindi siya mananahimik kahit napatalsik na sa pwesto bilang Chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights.Ayon kay De Lima, hindi siya ang dapat sisihin sa negatibong imahe ng bansa sa International Community.Pinatawad na rin ng senadora, ang mga convicted drug lord at iba pang tumestigo laban sa kanya.Bwelta nito, may araw din ang mga nag-iimbento ng mga ebidensya.Inupakan din ni de Lima, ang mga nakapaligid kay Pangulong Duterte.Samantala, umaasa si De Lima na mas magiging maayos ang Senate Committee on Justice sa ilalim ng pamumuno ni Sen. Dick Gordon.
Sen. De Lima, May Bwelta Kay Sen. Cayetano At Pangulong Duterte
Facebook Comments