Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Leila De Lima na “bitch” dahil sa pakikipagrelasyon umano niya sa isang inmate sa national penitentiary.
Sa kanyang talumpati sa Tacloban City, sinabi ni Pangulong Duterte na ipinapalabas ni De Lima sa international community na siya ay “prisoner of conscience.”
Partikular na binanggit ng Pangulo ang pangalan ng high-profile inmate na si Jaybee Sebastian, na sinasabing ‘lover’ ng senadora.
Naniniwala rin si Pangulong Duterte na namatay si Sebastian sa COVID-19 at agad na nai-cremate.
Naguguluhan din ang Pangulo kung bakit nakatanggap pa ng parangal si De Lima mula sa ibang bansa.
Nabatid na iginigiit ng Pangulo ang totoo ang alegasyon ng illegal drug trade kay De Lima, na masugid na kritiko ng administrasyon.
Si Sebastian ay convicted kidnapper at car thief, at nagsilbing testigo sa drug trade at co-respondent sa drug cases na inihain laban kay De Lima.