Sen. De Lima, Nakiki-Usap Na Tigilan Na Ni P-Duterte

9

MANILA – Nakiki-usap si Sen. Leila De Lima na ngayong taong 2017 ay tigilan na sya ni Pangulong Rodrigo Duterte at mga kakampi nito tulad ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre.Sabi ni De Lima 14 million ang bumoto sa kanya para mapwesto sa senado kaya gusto niya na makapag focus na sa kanyang tunay na trabaho.Nauubos na aniya ang oras nya kakasagot sa mga kahibangan na iniaakusa sa kanya lalo na ang pilit na paguugnay sa kanya sa ilegal drug trade.Lalo pang nadismaya si De Lima na sinimulan ang kanyang taong 2017 ng panibagong bintang sa pamamagitan ng pagsangkot sa kanya sa tangkang pagpatay sa bilibid high profile inmate na si Jaybee Sebastian.Kasama din sa new year’s wish ni De Lima na makonsensya ang lahat ng napilitan na nag-testigo at magsinungaling laban sa kanya.Pakiusap ni De Lima, wakasan na sana ang kalbaryo ng buhay niya.Sa ngayon, ayon kay De Lima ay 16 na kasong walang basehan na ang kanyang kinakaharap at inaasahan niyang ito ay madadagdagan pa.

Facebook Comments