Sen. De lima, nanawagang makalaya para makadalo ng mahahalagang sesyon sa Senado

Manila, Philippines -Nanawagan si Senadora Leila De Lima na makalaya sa kulungan para makadalo sa ilang sesyon sa Senado.
Ito’y matapos bisitahin kahapon ng ilang mambabatas o yung tinaguriang ‘Magnificent 7’ ng Kamara.
Ito’y sina Congressmen Edgar Erice, Edcel Lagman, Gary Alejano, Emmanuel Billones, Raul Daza at Teddy Baguilat.

Ayon kay Erice – muling idiniin ni De Lima ang kagustuhang makapagtrabaho kahit may gumugulong siyang kaso.
Nabanggit din aniya ni De Lima ang paghihigpit sa PNP Custodial Center kung saan siya nakakulong.
Kasabay nito, dumating din sa bansa ang delegasyon ng Interparliamentary Union (IPU).
Ang IPU ay isang international organization na binubuo ng legislative bodies ng higit 170 bansa.
Ayon kay IPU Committee on Human Rights of the Parliamentarians President Fawzia Koofi – sinusuri nila kung may nalalabag sa karapatan ni De Lima.
Dahil isang mambabatas si De Lima, may hurisdiksyon ang IPU sa kanya.
DZXL558

Facebook Comments