Sen. De Lima, naniniwalang ikinulong siya noon upang patahimikin ang lahat sa isyu ng war on drugs

Humarap sa pagdinig ng House Quad Comm si dating Sen. Leila de Lima, pero hindi sila nagkaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na masama umano ang pakiramdam.

Sa kaniyang opening statement, sinabi ni De Lima na naniniwala siya na ang tunay na dahilan kung bakit siya ipinakulong ng Duterte administration ay upang maghatid ng takot sa lahat at manahimik sa madugong war on drugs.

Aniya, ang pagpapahirap sa kaniya na dahil sa pagbatikos niya sa war on drugs ay nagbigay daan sa impunity sa mga nangyaring patayan.


Facebook Comments