Nananatili pa rin hanggang sa kasalukuyan si dating Sen. Leila de lima sa Philippine National Police General Hospital (PNPGH).
Ito ay matapos ang tangkang pagtakas ng tatlong persons under police custody na nauwi sa pangho-hostage kay dating Sen. De Lima sa loob mismo ng PNP Custodial Center sa Camp Crame nuong Linggo ng umaga.
Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., hinihintay na lamang nilang maayos ang paglilipatang pasilidad kay De Lima para makabalik na ito sa custodial center.
Inilagay rin muna pansamantala ang dating senadora sa PNPGH upang ma-monitor ang kaniyang health condition.
Una nang sinabi ng kampo ni De Lima na mananatili ang dating mambabatas sa PNPGH ng limang araw hanggang sa maiayos ang paglilipatan nitong pasilidad.
Matatandaang tinanggihan ng senadora ang alok ng PNP maging ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na lumipat ng ibang detention facility sa katwirang ligtas naman siya sa custodial center ng PNP.