Sen. De Lima, pinagbibitiw si Ombudsman Samuel Martirez

Binakbakan ni Sen. Leila De Lima si Ombudsman Samuel Martires matapos tumangging ilabas sa publiko ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Una nang iginiit ni Martires na layunin lamang nitong protektahan ang interes ng mga public official, kabilang na ang punong ehekutibo.

Punto ni De Lima – trabaho ni Martires na protektahan ang interes ng publiko at hindi ng mga opisyal ng gobyerno.


Dagdag pa ng senadora, dapat itinataguyod ni Martires ang accountability at transparency sa public offices.

Banat pa ng senadora, ang Ombudsman na isang “tanodbayan” ay nagiging “traydorbayan.”

Sinabi pa ni De Lima na kung hindi kayang gampanan ni Martires ang pagiging Ombudsman, mainam na umalis na lamang ito sa kanyang pwesto.

Facebook Comments