Sen. De Lima, Pinayuhang Magpahinga Muna

6

MANILA – Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sen. Leila De Lima na magpahinga na muna.Kasunod ito ng pagiging emosyonal ng senadora kahapon, dahil sa nararanasang panggigipit ng administrasyon kung saan hinamon nito ang pangulo na arestuhin na siya at ipakulong.Pero, Ayon sa pangulo, maaring nakakaranas na ng nervous breakdown ang senadora.Kasabay nito, Pinagsabihan naman ni Justice Secretary Vitalliano Aguirre si De Lima na maghinay-hinay sa mga konklusyon nito sa riot sa Bilibid.Payo ni Aguirre kay De Lima, mas makabubuti hintayin nalang ang opisyal na report ng Bureau of Correction at huwag pangunahan ng ispekulasyon ang imbestigasyon.

Facebook Comments