Sen. Dela Rosa, hinamon ang ICC na subukan siyang arestuhin

Hinamon ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang International Criminal Court (ICC) na arestuhin siya at tingnan nila kung ano ang mangyayari.

Ginawa ni Dela Rosa ang pahayag matapos ibasura ng ICC ang apela ng gobyerno ng Pilipinas na iatras ng korte ang drug war probe sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Dela Rosa, hanapin lamang daw siya ng ICC at siya ay nasa Senado lang madalas sabay hamon na siya ay arestuhin at tingnan na lang kung anong mangyayari.


Sinabi pa ni Dela Rosa na hindi siya mag-missing in action dahil kumpiyansa siyang wala namang huhuli sa kanya.

At para sigurado na hindi maaaresto ng ICC ay sinabi ni Dela Rosa na lilimitahan lamang niya ang kanyang byahe sa Davao at Manila o kaya naman ay sa mga bansang hindi myembro at walang hurisdiksyon ang ICC tulad ng Russia at China.

Sinabi pa ni Dela Rosa na wala siyang pakialam sa desisyon ng ICC at batid niyang wala rin itong patutunguhan.

Facebook Comments