Sen. Dela Rosa: Hindi pagsama sa mga babae sa mandatory ROTC, maituturing na gender inequality

Iginiit ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na maituturing na gender inequality kung hindi masasaklaw ang mga kababaihan ng isinusulong na Mandatory ROTC Program.

Ito ang reaksyon ng senador dahil sa pagkwestyon at pagpalag ng ilang sektor sa pagbuhay muli ng ROTC program at gawin itong mandatory sa lahat ng mga paaralan kung saan bago makapagtapos sa kolehiyo o technical and vocational schools ay dapat na sumailalim sa programa ang lahat, lalaki man o babae.

Ayon kay Dela Rosa, ang mga babae ang sumisigaw ng gender equality o patas na pagtrato sa lahat ng kasarian kaya isinasama niya ang mga ito sa mandatory ROTC.


Subalit kung aayaw aniya ang mga kababaihan dito ay maituturing itong gender inequality o hindi patas sa mga lalaki.

Pagkakataon na rin aniya ng mga babae na makapagsilbi sa bayan at para matuto rin sila sa pagtugon sa kalamidad, sakuna, emergency at giyera.

Facebook Comments