Sen. Dela Rosa, iginiit na ‘di maiiwasang magkaroon ng collateral damage sa police operations

“Sh*t happens”

Ito ang reaction ni dating PNP Chief, Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa kaugnay sa pagkamatay ng isang tatlong taong gulang na batang babae sa drug buy-bust operation sa Rodriguez, Rizal.

Iginiit ni Dela Rosa – na tinitiniyak ng pulisya na walang magiging collateral damage pero may mga pagkakataong hindi ito maiiwasan.


Maararing magsagawa ng imbestigasyon para maayos at maamyendahan ang mga rules of engagement.

Pero sinabi ng senador na kapag napatunayang inabuso ng mga pulis ang kanilang kapangyarihan ay papanagutin ang mga ito.

Nitong June 29, nagkasa ng operasyon target ang suspek na si Renato Ulpina at isa pang drug suspect.

Maliban sa mga suspek, namatay ang anak ni Ulpina na si Myca at ang pulis na nagsilbing poseur buyer na si Senior Master Sgt. Conrad Cabigao.

Facebook Comments