Sen. Dela Rosa, iginiit na wala sa hurisdiksyon ang ICC para arestuhin siya sa isyu ng drug war

Iginiit ni Senador Ronald dela Rosa na wala na sa hurisdiksyon ng International Criminal Court o ICC ang Pilipinas kaya’t hindi siya maaring arestuhin nito kaugnay sa madugong war on drugs sa nakalipas na administrasyon.

Ayon kay Dela Rosa, epektibo na ang withdrawal ng Pilipinas sa ICC nang simulan ng ICC prosecutor ang imbestigasyon.

Kinuwestiyon din ni Dela Rosa ang pahayag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin Remulla na makikipag-ugnayan ang DOJ sa International Police o INTERPOL.


Aniya, ang Philippine National Police (PNP) ang miyembro ng INTERPOL at hindi ang DOJ at ang desisyon ay nasa level lamang ng Chief ng PNP.

Kung ang pagbabatayan din aniya ay ang mga naunang pahayag ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., malinaw na hindi nito kinikilala ang hurisdiksyon ng ICC.

Facebook Comments