MANILA – Nangako si Senator Richard Gordonng isang objective hand sa pamumuno bilang bagong chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights.Ito ay matapos mapatalksik si de Lima bilang pinuno ng komite na nag-iimbestiga sa ng extra judicial killings sa bansa.Kasunod na rin ito ng mosyong ni Sen. Manny Pacquiao na bakantehin ang chairmanship at lahat ng miyembro ng nasabing komite na pinumumunuan ni de lima.Ang mosyon ni Pacquiao ay kasunod ng privilege speech ni Sen. Alan Peter Cayetano.Sa interview ng RMN kay Sen. Cayetano, sinabi nito na mayorya ng mga senador ay gusto nang palitan si de Lima bilang pinuno ng komite dahil hindi na rin nito natututukan ang ibang panukalang batas.Matapos ang botohan ay nag-move si Senate Majority Leader Tito Sotto para inominate si Senator Richard Gordon bilang bagong chairman ng komite na tinanggap naman ng senador.
Sen. Dick Gordon, Tiniyak Ang Patas Na Pamumuno Bilang Bagong Chairman Ng Komite
Facebook Comments