Manila, Philippines – Kilala si Senate Minority Franklin Drilon sa mariing nagsusulong ng anti-political dynasty provision sa panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Pero sa kabila nito ay hindi pinalagan ni Drilon ang pag-alis ng bicameral conference committee sa nabanggit na probisyon sa proposed BBL.
Paliwanag ni Drilon, mahina at wala naman talagang saysay at ngipin ang anti-political dynasty provision sa panukalang BBL at hindi kayang pigilan ang pag-upo ng magkakaanak sa itatag na Bangsamoro parliament.
Giit ni Drilon, ang kailangan ay magkaroon ng mahigpit na regulasyon laban sa political dynasty.
Samantala, ipinaliwanag naman ni Senator Francis Chiz Escudero na inalis ang nabanggit na probisyon sa BBL dahil selective ito at hindi epektibo.
Ayon kay Escudero ang inalis na probisyon ay para lang sa mga party-list representative at hindi magagamit sa iba pang opisyal ng Bangsamoro.