Manila, Philippines – Iginiit ni Senator JV Ejercito sa mga economic managers ng pangulo na isang investment at hindi pagkakagastusan lamang ng gobyerno ang naipasang batas na magkakaloob ng libreng tuition sa State Universities and Colleges o SUCS.
Ang apela ay ginawa ni Ejercito sa harap ng rekomendasyon ng economic managers kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto ang free college tuition bill.
Paliwanag ni Ejercito, kung gumagastos ng 70-Billion pesos kada taon ang pamahalaan para sa Conditional Cash Transfer ay bakit naman hindi nito magagawang magpondo ng 28-Billion pesos para sa higher education.
Katwiran pa ni Ejercito, isa itong investment dahil siguradong mag-aangat sa buhay ng mahihirap na pamilya kung mayroon silang anak na makakapagtapos sa kolehiyo at magkakaroon ng maayos na trabaho.
“I am hoping that the finance people of the administration would reconsider yung kanilang stand or their position because this would not do good, both Houses already passed the Free Higher Education Bill.
This would be good for all because this is an investment, again, magkaroon ka ng graudate bawat pamilya, mas malaking tsansa na mas mapaganda mo yung kalidad ng buhay ng pamilya,” pahayag ni Sen Ejercito.